Thursday, August 7, 2008

parables message

1. Tenants of the vineyard (Matthew 21:33-45, Mark 12:1-12, and Luke 20:9-19) what is the message/challenge of this parable for you in the communities you serve? What is the message /challenge of this parable to peasant farmers who have been dispossessed of their land and have to work under unjust tenants systems/

“ Gusto kong sagutin ang parables sa pamamagitan ng aming kuwento bilang pamilya at sa aming pamilya apat kami na magkakapatid. Dalawa sa amin ay nakapag asawa sa Zambales (ako na bunso at ang isa ay panganay) at ang dalawang kapatid naming ay sa Tarlac tumira kasama na rin ng kani-kanilang pamilya. Pagkamatay ng aming tatay last year. Naging malaking usapin ang lupa paano hahatiin ang natitirang maluwang na lupa na naiwan ng aming tatay, bukod sa kanya kanyang bukid na mayroon kami na ibinigay noong buhay pa ang aming tatay. Sa maikling kuwento, pagkatapos ng libing napag usapan ang natitirang lupa na naiwan ng aming tatay, sa kultura namin dapat ang malaiking bahagi ay mapupunta sa panganay at siya ang magdedecide kung saan naman ang mapupunta sa amin bilang kapatid niya. Pero nabigla kami sa aming pag uusap kasi nalaman namin na naibenta na pala ang kalahati ng lupa at ang nagbenta ang aking kuya na pangatlo.Nagalit ang aming panganay at siyempre kaming lahat, dahil hindi kami nabahaginan at hindi kami nainform. Hindi naman sumagot an gang aking kuya dahil wala naman siyang karapatan na sumagot. Pero nalaman naming ang damdamin ng aking kuya sa iba at ito ang sabi niya; halos sampung taon wala ang aking mga kapatid nay an hindi hindi man lang sumilip kung ano na ang nangyayari sa amin dito sa Tarlac, alam ba nila na halos ikamatay ko ang pagtatanggol ko sa lupa na iyan sa mga gustong kumuha at halos dina ako nakapag aral dahil sa pag alalay sa aming mga magulang. At noong nagkaroon ako ng problema naibenta ko ito. Ngayon wala na nga silang naitulong sa loob ng panahon na iyon, ako pa ba ang mali? Yung parables, kahawig ng kuwento namin at tumutukoy sa irresponsible owner, at kawalang tiwala sa mga kasama nung maghaharvest na tsaka lang darating at kukuha ng bahagi at nag utos pa ng iba para kumuha ng kanyang bahagi, parang ang tingin ko wala siyang tiwala sa kanyang mga kasama at mukhang may problema na rin sila na magkakasama. Alam din kaya ng owner ng lupa ang mga kahirapan na naranasan ng kanyang mga kasama sa pagrotekta at pag aalaga ng kanilang lupa? At ito darating na lang at kukunin ang kanyang bahagi. Hindi ito larawan ng Diyos bagkus ng isang capitalista na ang hangad ay kumita lang at hindi tinitingnan ang totoong kalagayan bago kumuha ng kanyang bahagi. At hindi ko rin maintindihan bakit ikinabit ang parabulang ito sa isang uri ng kaharian ng Diyos.











Workers in the Vineyard (Matthew 20:1-16)
What is the message/challenge of this parable for you in the communities you serve? What is the message /challenge of this parable to daily wage earners who have no security of tenure and whose families have to face the threat of starvation each day?

Ang kuwento sa parabulang ito ay halos malapit talaga sa kalagayan naming bilang mga katutubo. At naiintindihan ko rin ang situwasyon ng may ari ng nagpapatanim sa kanyang ubasan kung paano niya tinatrato ang kanyang mga workers at paano niya sila pinasuwelduhan. Ang pagkakaiba lang kapag nasiyahan ang aking tatay kapag nagpapatanim kami ng gabi sa mga trabahador, may dagdag pa iyon sa kanila na incentives, bagong damit o inom. May konsiderasyon din sa mga tatatamad tamad sa ibang trabahador pero hindi na sila makakaulit at dina sila aayain sa susunod na mga trabaho. Pero sa kuwentong ito sa parabola kakaiba rin dahil mukhang ang sistema naman ay ang pagpapasahod ay baliktad, inuuna ang huling pinatrabaho na papasuwelduhin at inihuhuli ang mga nauna, kaya ang tingin ko tuloy nagbubukas lang ito ng pagkainggit sa iba o bahagi lang ng stratehiya niya para makita ang attitude ng mga taong kanyang papasuwelduhin. Ang gusto ko lang sa parabula naghanap siya ng mga taong walang trabaho at binigyan niya, hindi niya hinayaan na wala silang ginagawa bagkus nais din niya silang matulungan at maibigay at matugunan ang kanilang pangangailangan. Kung lahat ng mayaman ay magkaloob ng trabaho sa mga mahihirap wala sigurong maghihirap at walang magugutom. Kaya lang kagaya ng mga nagtatarabaho sa amin o sa parabulang ito, baka kaya pareho ang suweldo eh dahil di rin sila nagtapat sa kanilang Gawain. Naalala ko si Executive Judge Eliezer Delos Santos ng Angeles City Hall of Justice, nagpasok siya ng mga anim na katutubo para sa maintenance at kalinisan ng buong building. Dahil ang katuwiran niya hindi naman kailangan na makatapos ng high School para lang malinisan ang building. Maganda ang layunin ni Judge kaya natanggap naman ang anim na katutubo bilang janitor. Pero nakakalungkot pagkalipas ng ilang buwan umalis din ang mga nagtrabaho ang masakit hindi pa sila nagpalam. Pero may mag situwasyon din naman na nagiging tapat ang ilang trabahador pero di nakakatanggap naman ng dapat na maranasan nilang benefits. Ang isyu ng kagutuman ay minsan vice versa minsan sa amo, minsan naman dahil na rin sa katamaran ng tao.nakaklungkot sa ngayon maraming kapwa katutubo, pagkatapos na maibenta ng mura ang mga lupa nila ito ngayon nagpapalimos sa mga lansangan. Kaya ang parabulang ito ay tumutukoy sa mahirap at mayaman na matutuhang mabuksan ang isip at puso sa ikabubuti ng lahat. Ito marahil ang sinasabi sa kaharian ng Diyos.

2.1 Genesis 3 “ the fall”

…magandang balikan ang kuwento ng Genesis 3, pero kahit paano ko siya basahin babae ang target ng ahas upang tuksuhin, at ayoko ring isipin na absent si Adan noon o nagliliwaliw sa Garden ng Eden kaya’t di sila nagkapanagpo ng ahas. Kaya si Eva ang nakausap tuloy ng ahas at siya ang pinuntirya ng ahas dahil na rin siguro na likas sa babae ang kahinaan at madali na sila ay papaniwalain. Kagaya sa ating panahon, madalas na utuin ng mga hayok sa laman at pagsamantalahan ang kahinaan ng mga babae. Kaya ang mga lalaking iyon ang ahas sa ating kapanahunan. At pagkatapos na pagsamantalahan ang kahinaan ng mga babae eh ibabalik sa kanila ang sisi at kasalanan. Napakakawawang mga babae madalas na makranas ng pagdurusa…

2.2 Ruth, Naomi, and Orpah (Ruth 1)

… ang kuwento kay Naomi, Ruth at Orpah ay kuwento ng choice o pagpili kung saan pupunta at sino ang susundin. Nakita natin ang nangyari kay Naomi nung sumunod siya sa kanyang asawa papunta sa lugar na kung saan ang sabi ng Bibliya ay lugar ng Moab isang lugar na sinasabi din na bansang di naniniwala sa isang tunay na Diyos. At iniwan nila ang bansang may Diyos ang Bethlechem( the house of Bread). Kaya ang nangyari napahamak at namatay ang kanyang asawa at namatay ang kanyang dalawa. Sa kuwento naman ng pagpili ni Ruth at Orpha, pinili ni Ruth na sumama kay Naomi at dahil pinili nga ni Ruth na sumama sa kanya sa bansang may kinikilalang Diyos. Nakita natin na may nangyari sa kanyang mabuti. May mga choices tayo sa buhay kung magpatuloy ka sa iyong theology o sa iyong ideolohiya. Nasa iyo iyon tingnan mo rin kung totoong makakabuti sa iyo at sa iyong community. Tingnan mo rin kung ang iyong theolohiya ay magpapahamak na rin pala sa iyo o sa iyong komunidad. Maganda rin at may choice tayo kagaya ni Ruth at Orpah.

3. the Characters of the Bible do you best identify with.

Ang totoo napakaweird din ng calling ko kasi madalas na iniuugnay ko ito sa mga napapanaginipan ko at sa paliwanag ng mga taong iniisip ko na mataas ang espirituwalidad. Kaya ang tingin ko si Joseph ang taong iyon ang character sa Bible ang nagbigay sa akin ng inspirasyon sa pagpasok sa ministry. Bago ako pumasok sa ministry may panahon talaga na nakikita ko sa panaginip na ako ay nangangaral sa mga tao. At madalas sa aking panaginip nagsasalita ang Panginoon. May mga pagkakataon kasi may mga tanong ang mga tao sa kapanahunan ni Joseph at walang sumasagot, ngunit ito si Joseph na sa tingin nila nagsasalita ang Panginoon sa kanya at alam nila kung ano ang mangyayari. Kaya’t siya ang nakatulong sa panahon na iyon. At hanggang sa kapanahunan naman natin marami pa rin ang nalilito sa kung ano ang totoong relihiyon. Kaya bunga nito hindi natatapos ang pangangaral dahil lahat ng member baka sampung beses o higit pa na besesna lumipat. Kanino nga kaya totong nagsasalita ang Diyos sa kapanahunan natin ngayon? Sana may Joseph sa ating panahon ngayon isang Joseph na maaasahan at hindi Joseph sa banding huli ng kuwento.

4. Ang Critical Asian Principles ay tumutugon sa pangangailangan lalo ng ating komunidad sa bawat konteksto na mayroon tayo. Bagamat ito ay isang parang marahas na hakbang dahil ito ay pagtalikod sa isang principles na nakagawian na natin at nakasanayan na natin. Kaya sa ibang sumulat at nag assert din nito sa kanilang sarili ay nahihirapan din, lalo na noong wala na sila sa posisyon at din a sila makakilos or sila na rin ang komukontra sa kanilang inumpisahan. Hanga rin ako sa isang sinabi ng isang Afrcian Theologian ng kanyang sabihin sa kanyang libro na ganito. We eat already your theology (he was referring to western Theology) will you eat also with us on our theology. At totoo din naman, na sa ating mga pagsamba at mga paglilingkod at pagtuturo ay nakabase lahat sa naunang principles kaya siguro ampaw at di tumatama sa puso at malayo sa karanasan ng mga tao at sa kanilang mga pangarap.


5. Understanding of the church’s ministry to the present Philippine context…..

Nakakalungkot isipin hanggang ngayon ang ministry ng Iglesiya ay tila isang malabong direksiyon hindi alam ang talangang gagawin. Sabi nga ni John mbiti na isang African theologian na we produce a church and exist with out theological grounded and concern.
Totoo sa ating kapanahunan dahil hanggang ngayon hindi pa rin matumbok ang nais na gawin. Kaya paano ang church ay magiging daan ng pagbabago at hustisya sa kanyang bansa kung ang kanyang sarili ay di niya maiwasto. Maganda ang nabasa kung libro na ang pamagat ay; To chose the way of life rather than the way of justice.. at ang halimbawa niya ay yung dalawang ina na nagtalo sa isang sanggol at ang hari na humatol noon ay si Haring Solomon. Kung tutuusin ang tunay na ina kung ipinilit niya ang kanyang karapatan at hindi nagsakripisyo mawawala ang buhay ng isang walang malay. Dahil ang isa doon ay nagsasabi na rin hatiin na rin ang sanggol. Ang Church ministry ay magpromote ng buhay dahil iyon din naman ang sinsabi sa aklat ng Genesis na God said that we should not eat the fruit of life of the knowledge of good and evil, but to eat the fruit of life. The primary task of the church is to uphold life.

No comments: